Bong Revilla sumakit ang tiyan, isinugod sa ospital

SUMAILALIM sa isang procedure si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. makaraang sumakit ang tiyan ngayong Miyerkules ng umaga.

Itinakbo si Revilla sa emergency room ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City alas-5.

Makaraang suriin, nadiskubre ang ureteral stones ng senador na siyang dahilan ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Natapos ang procedure kay Revilla alas-2:30 ng hapon at kasalukuyang itong nasa recovery room.

“He is now in recovery after undergoing a procedure at 2:30 o’clock this afternoon,” ayon sa kalatas mula sa tanggapan ng mambabatas.