ITINANGGI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na may papasok na super typhoon sa bansa.
Sa kalatas, sinabi ng Pagasa na walang katotohanan ang mga posts online na tatama sa bansa ang isang super typhoon Maria sa mga susunod na araw.
“Based from all available data, apart from Typhoon “IN-FA” and Tropical Storm “NEPARTAK” outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) there are no other tropical cyclones that are expected to enter the PAR and affect the Philippine landmass within the next 3-5 days,” ayon sa weather bureau.
Samantala, sinabi ng Pagasa na makararanas pa rin ng pag-ulan bunsod ng habagat ang Metro Manila, Ilocos region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.