Storm Signal No. 1 itinaas sa ilang lugar dahil kay ‘Rosal’

NAKATAAS ang storm signal number 1 sa ilang lugar sa bansa matapos maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na tinawag na Tropical Depression Rosal, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inilagay sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

Catanduanes
eastern portion ng Camarines Sur, kabilang na ang Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay
eastern portion ng Albay, kabilang na ang City of Tabaco, Bacacay, Rapu-Rapu, Malilipot, Malinao at Tiwi.

Idinagdag ng Pagasa na taglay ni ‘Rosal’ ang hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso hanggang 55 kilometro kada oras habang ito’y kumikilos ng pa-hilagangkanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

“Moderate to heavy with at times intense rains possible over Bicol Region and Quezon. Moderate to heavy rains possible over MIMAROPA and Western Visayas. Light to moderate with at times heavy rains likely over Aurora and the rest of CALABARZON and Visayas,” dagdag ng weather bureau.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na inaasahan pa ang dalawang bagyo bago matapos ang 2022.