ITINAAS ang tropical cyclone wind signal (TCWS) number 2 sa ilang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Leyte at Dinagat Islands matapos lumakas ang Tropical Storm na si Agaton Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa weather bulletin na inilabas ng Pagasa, inilagay sa Signal number 2 ang bahagi ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente); sa Marabut sa extreme southern portion ng Samar at sa northeastern portion ng Leyte na binubuo ng Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa); at sa northern portion ng Dinagat Islands sa bayan ng Loreto at Tubajon.
Inaasahan ang malakas na hanging sa susunod na 24 na oras, ayon sa Pagasa.
Alas-7 ng umaga ay naispatan ang bagyo sa katubigan ng Guiuan, Eastern Samar, na may maximum sustained winds na 75 kilometers per hour (kph) at gustiness na hanggang 105 kph habang kumikilos pa kanluran-timogkanluran sa bilis na 10 kph.
Nakataas naman ang Signa No. 1 sa kabuuang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, kabuuang bahagi ng Leyte, Southern Leyte, at northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon) kabilang na ang Camotes Islands, Surigao del Norte at kabuuang bahagi ng Dinagat Islands.