Rollback sa presyo ng petrolyo muling ipatutupad

MULING magpapatupad ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis sa Martes, Abril 12, 2022.

Inaasahang bababa ng 43 sentimo kada litro ang presyo ng diesel, samantalang maglalaro naman sa P1.00 hanggang P1.27 kada litro ang magiging tapyas sa presyo ng gasolina.

Magpapatupad naman ng mas maliit na rollback ang Uniol na kung saan aabot lamang sa 20 hanggang 30 sentimo kada litro ang bawas sa diesel, samantalang mula 90 sentimo hanggang P1 kada litro naman sa gasolina.