INAASAHAN na papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Nanmadol (International name) ngayong Huwebes o Biyernes ng umaga. Tatawagin itong bagyong Josie.
Ayon sa Pagasa, hindi naman direktang makaapekto ang bagyo sa Pilipinas bagamat palalakasin nito ang southwest monsoon na magdudulot ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na 24 oras.
Sa ngayon ay nag-intensify na si Nanmadol bilang severe tropical storm habang papalapit sa PAR.
Sa 5 a.m. weather advisory, namataan ang bagyo 1,830 kilometro ng silangan -timogsilangan ng extreme northern Luzon na may taglay na hangin na 95kph malapit sa gitna, na may pagbugsong 115kph habang tinatahak ang timogkanluran sa bilis na 15 kph.