TINIYAK ni Presidential Spokesperson Harry Roque na minomonitor ng Palasyo ang sitwasyon sa mga lalawigan na sinasalanta ng bagyong Maring at ang rescue at relief operations ng pamahalaan para sa mga apektado nito.
“The Palace is closely monitoring the ongoing operations for Tropical Storm Maring as it continues to move away from extreme Northern Luzon,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang briefing Martes.
Idinagdag ni Roque na ipinadala na ang mga rescue team at personnel para matulungan ang mga kailangang iligtas at ilikas sa mga apektado ng pagbaha.
“Support from the Armed Forces of the Philippines, the Philippine Coast Guard, the Philippine National Police and the Bureau of Fire Protection are likewise mobilized and deployed,” ayon kay Roque.
Aniya, naglaan din ang Social Welfare and Development (DSWD) ng P128 milyong Standby Funds bukod pa sa 373,737 nakahandang Family Food Packs na nagkagkakahalaga ng P219 milyon.
“We ask the public to continue to take precautionary measures, observe minimum public health standards, and cooperate with their respective local authorities in case of an evacuation,” sabi ni Roque.