IDENEKLARA na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
“The passage of tropical storm ‘Dante’ and the occurrence of widespread rainfall monitored by PAGASA in the last five days for areas under Type 1 climate confirm the onset of the rainy season,” ayon sa anunsyo ng PAGASA.
Dahil dito, inaasahan na ang madalas na pag-ulan dulot ng habagat sa Metro Manila at sa kanlurang bahagi ng bansa.
“The probability of near to above normal rainfall conditions is high in the next two months, from June to July,” anang PAGASA.