PORMAL nang tinapos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ngayong Biyernes ang “amihan” season o ang “northeast monsoson”, senyales na simula na ng tatagktak ang pawis dahil panahon na ng tag-init.
Bagamat wala talagang “summer sa bansa”, ayon kay Pagasa administrator Nathaniel Servando, simula na ang Philippine summer na siyang magdudulot ng mas mainit at maalinsangang panahon.
Ito ay sa kabila nang patuloy na nararanasang tagtuyot dala ng El Niño phenomenon.
“We expect the number of warm and drier days will increase in the coming weeks and the coming months,” ayon kay Servando sa press conference kasabay sa paggunita ng World Meteorological Day.
Asahan na tatagal ang maalinsangan at mas mainit na panahong hanggang Mayo.