MINO–MONITOR ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang severe tropical storm na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo, na may international name na Champi, sa layong 1,840 kilometro silangan ng hilagang Luzon.
Ayon sa Pagasa, taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro kada oras.
Kumikilos sa direksyon na pa-hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Hindi pa matukoy ng weather bureau kung papasok ng PAR ang bagyo.
Samantala, makararanas ng pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bataan at Zambales sa susunod na 24 oras.
Magiging maulap naman na may kasamang pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil sa habagat at localized thunderstorms.