James Yap kay Noynoy: Thank you for being nice to me

NAGLULUKSA rin ang dating asawa ni Kris Aquino na si James Yap sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.


Ayon sa Yap, ama ng ng bunsong anak ni Kris na si Bimby, mabuti ang naging pakikitungo sa kanya ng dating presidente.


Sa Instagram, nag-post si Yap ng picture ng dating bayaw na may caption na, “Rest in peace President Noynoy Aquino. Thank you for being nice to me. You will be missed.”


Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya Aquino ang ilang celebrities gaya nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Kim Chiu, Judy Ann Santos, Matteo Guidicelli, Ogie Alcasid, Darren Espanto, Derek Ramsay, Alex Gonzaga, at Tom Rodriguez.