SINABI ng Department of Health (DOH) na bago pa tumama ang bagyong Paeng sa bansa ay nakahanda na ang P31 milyong gamot at medical supplies.
Nakahanda na for distribution ang mga gamot at supplies sa Rehiyon I, II, Cordillera Administrative Region (CAR), IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at National Capital Region (NCR).
“Bago pa po mag-landfall and bagyo ay naghanda na ang DOH dahil alam po natin na marami ang maaapektuhan ng bagyong Paeng,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Nakahanda na rin ang mahigit P72.8 milyong halaga ng mga bilihin para sa mobilisasyon sa bodega ng DOH central office, sabi ng ahensya.