Napagod sa break-up, Kylie ayaw muna ng relasyon

WALA muna sa plano ng aktres na si Kylie Padilla ang maghanap ng dyowa dahil napagod siya sa mga relasyon na nauwi lang sa hiwalayan.

Ito ang isiniwalat ni Kylie sa question-and-answer session sa kanyang mga tagahanga sa Instagram.

“Do you have someone?” tanong ng isang fan.

“Honestly, not looking. I think love comes when you don’t seek it out. Nakakapagod na kasi ‘yung palagi na lang nauuwi sa hiwalayan. I think I’m not up for it again,” aniya.

“Have you thought of having a baby girl?” tanong naman ng isa pa.

“Sometimes, but I think I’m done making kids,” sagot niya.

Mayroong dalawang anak si Kylie, sina Alas Joaquin at Axl Romeo, at dating asawa niyang si Aljur Abrenica.