WALANG pasok sa ikalawang araw ng klase ang 101 paaralan sa northern at central Luzon na ngayon ay apektado ng Tropical Storm Florita, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa tala ng NDRRMC, 65 klase ang suspendito sa Cordillera Autonomous Region, 31 sa Cagayan Valley at tatlo sa Central Luzon.
Sa ngayon nakataas ang Signal No. 2 sa maraming lugar sa Luzon.
Namataan ang bagyon 125 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora na may bilis ng hangin na 85 kph at pagbugso na 105 kph.
Inaasahang maglalandfall ang bagyo sa east coast ng Isabela o Cagayan Martes ng umaga.