DAHIL patuloy na pinalalakas ng bagyong Fabian ang habagat kaya asahan pa ang mas malawakang pagbaha sa mga lugar sa Central at Southern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa bulletin ng Pagasa Huwebes ng gabi, nananatili ang Orange Rainfall Warning, kaya malaki ang posibilidad ng pagbaha, sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Zambales, Oriental at Occidental Mindoro.
Nagbabala rin ang Pagasa ng posibleng pag-apaw ng tubig sa Pasig-Marikina-Tullahan river system.
Kabilang sa posibleng bahain ang mga sumusunod na bahagi ng nasabing river system: Upper Marikina River (Rodriguez, Antipolo, San Mateo, Quezon City, Marikina); Lower Marikina River (Pasig, Mandaluyong); Pasig River (Pasig, Makati, Mandaluyong, Manila; Tullahan River (Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela; Mango River (Rodriguez); Nangka River (Marikina, San Mateo, Antipolo); at San Juan River (Quezon City, San Juan, Manila).
“People living near the mountain slopes and in the low-lying areas of the above-mentioned cities and the local disaster risk reduction and management councils concerned are advised to be alert and take appropriate action,” paalala pa ng Pagasa.
“Local flooding is possible in some areas due to impounding water and poor drainage system,” dagdag nito.