ISANG severe tropical storm na ang bagyong Maring na ngayon ay nakakaapekto sa maraming bahagi ng Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Naispatan si Maring 240 kilometro silangang bahagi ng Aparri, Cagayan alas-10 ng umaga Lunes.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometers per hour at may maximum sustained winds na 95 kph malapit sa gitna at may pagbugso na 115kph.
Kasalukuyang nakararanas ng moderate hanggang mabigat at intense na pag-ulan ang Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region.
Patuloy namang makaaapekto ang habagat sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Occidental Mindoro, and Oriental Mindoro na pinalakas pa ni “Maring”.
Ang Metro Manila ay makararanas naman ng maulap na papawirin na maya kasamang pag-ulan.
Nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Signal No. 1 naman sa Isabela, Nueva Vizcaya , Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern portion of Bataan, Northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands, Calaguas Islands.