MANAKA-nakang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) and low pressure area na namataan 1,255 kilometro, silangan ng Southern Mindanao.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), and cloud cluster na namataan sa labas ng PAR ay namuo na bilang LPA at posibleng pumasok sa bansa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling araw.
Posible rin na mag-landfall ito sa Bicol region o Eastern Visayas Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga, ayon lay Loriedin Galicia ng Pagasa,.
Bagamat patuloy na makararanas ang karamihan ng mga lugar sa bansa ng maayos na panahon, makararanas naman ng scattered rain showers at thunderstorms ang ilang lugar dahil sa easterlies.
Bagamat malayong mamuo bilang isang bagyo ang LPA, sinabi naman ni Galicia na hindi rin nila ito isinasantabi.