MAAAPEKTUHAN ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao bunsod ng low pressure area na namataan 20 kilometro northeast ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, magiging maulap ang kalangitan sa Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, Sulu at Tawi-tawi na may kasamang mga pag-ulan.
“It is embedded along the Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Southern Mindanao. Easterlies affecting the rest of the country,” ayon pa sa Pagasa.
Magiging katamtamang maulap hanggang sa ganap na maulap din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na may kasamang ulan na may pagkulog at pagkidlat.
Ang temperatura ay nasa pagitan ng 25.2 degrees Celsius hanggang 33.4 degrees Celsius.