Will Smith sinampal si Chris Rock sa Oscar Awards

NAWINDANG ang buong mundo nang sampalin ng Hollywood superstar na si Will Smith ang komedyanteng si Chris Rock sa kalagitnaan ng live telecast ng 94th Academy Awards Lunes ng umaga (Linggo ng gabi sa US).

Ito ay matapos biruin ni Rock ang asawa ni Smith na si Jada Pinkett-Smith kaugnay sa pagkalagas ng buhok nito dahil sa alopecia.

Nang mapansin ni Smith na hindi natutuwa si Jada sa joke ni Rock ay tumayo ito, umakyat ng stage at sinampal ang komedyante.

“Will Smith just smacked the sh*t out of me,” ani Rock.

”Keep my wife’s name out of your f**king mouth,” sagot naman ni Smith.

Nang tanghaling Best Actor humingi ng paumanhin si Smith sa inasal.

“I want to apologize to The Academy. I want to apologize to all my fellow nominees.”

Hindi naman siya nagsori kay Rock. Wala pang pahayag ang komedyante kung kakasuhan ang aktor. –