Libo-libo lumikas dahil kay ‘Odette’

TINATAYANG nasa 200,000 indibidwal ang inilikas sa kanilang mga tahanan sa Visayas at Mindanao bunsod ng banta ng bagyong “Odette’.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inilikas ang mga residente mula sa Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga, at dinala sa mga government facilities dahil sa inaasahang pinsalang dala ni “Odette.”

Dala ni “Odette” ang hangin na may bilis na 260 kilometers per hour na may pagbugso na 300 kilometers per hour bago pa ang kanyang unang landfall sa Siargao sa Surigao del Norte ala-1:30 ng hapon, ayon sa state weather bureau.

Nakataas ang Signal No. 4 sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Southern Leyte, at eastern portion ng Bohol.

Tiniyak naman ng Palasyo na ang mga apektado ng bagyo ay makakatanggap ng food packs at tulong mula sa gobyerno.