PINAYUHAN ang publiko na uminom ng maraming tubig at manatili sa loob ng bahay dahil inaasahang aabot sa 41 degrees ang heat index sa Metro Manila sa susunod na tatlong araw.
“As much as possible kung walang importanteng gagawin sa labas, manatili lang sa loob ng bahay,” ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez.
“Yung mga kasama nating di maiwasang nasa labas because of the nature of their work, as much as possible sumilong at uminom ng tubig to keep themselves hydrated,” dagdag niya.
Samantala, dahil sa naranasang init nitong mga nakaraang araw, sinubukan ng residente ng Laguna na magprito ng itlog sa ilalim mismo ng araw.
Inilagay ni Cecile Jusi-Baltasar ang itlog sa kawali at tinakpan saka ipinatong sa labas ng bahay.
Inabot siya nang tatlong oras bago naluto ni ang itlog na sinimulan niya alas-12 ng tanghali.