BINABANTAYAN ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) si Typhoon Hinnamnor habang ito ay papalapit sa Philippine Area of Responsibility at magdudulot ng malakas na pag-ulan sa norte.
Tatawagin itong “Gardo” sa sandaling pumasok ito sa PAR Miyerkules ng gabi.
Ayon sa bulletin ng Pagasa alas-5 ng umaga ngayong Martes, naispatan ang bagyo 1,830 kilometro ng silangan timog-silangang bahagi ng northern Luzon, bagamat nasa labas pa ito ng PAR.
May taglay itong hangin na 165 kilometers per hour malapit sa gitna na may pagbugso na 205kph habang papakanluran.
Bukod dito ay meron ding nakitang low pressure area sa 1,210 kilometro ng extreme northern Luzon na magpapalakas pa sa inaasahang dalang ulan ng Hinnamnor habang papalapit sa bansa.