‘Domeng’ nagbabanta sa PH

ISA nang Tropical Depression ang low pressure area na namataan sa silangang bahagi ng Northern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Tatawagin ito na bagyong Domeng.

Ayon sa Pagasa, namataan si Tropical Depression Domeng 940 kilometro ng silangan Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang hangin na may bilis na 45 kilometro kada oras (km/h) at pagbugso na hanggang 55 km/hr.

Gumagalaw si “Domeng” pa-hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/hr.

Nakaapekto naman ang southwest monsoon sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Samantalang nasa 465 km ng kanluran ng Iba, Zambales ang aktibong tropical cyclone na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na una nang tinawag na “Caloy”.

Uulanin naman ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, and Palawan dahil sa monsoon.