BBM pinuri mga nagawa ng ama para sa PH

NAGBIGAY ng tribute si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, sa kanyang inaugural speech Huwebes ng tanghali.

“My father built more and better roads, produced more rice than all administrations before his. President Rodrigo Roa Duterte built more and better than all the administrations succeeding my father,” sabi ni Marcos.

Kasabay nito, nangako si Marcos na tatapusin ang mga naumpisihan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit, I want to build on success that’s already happening,” dagdag ni Marcos.

Nangako si Marcos na maglalahad ng isang komprehensibong plano para sa imprastraktura para sa anim na taon ng kanyang panunungkulan.