NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Pulasan alas-6:30 Martes ng gabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), tatawagin itong bagyong Helen.
Samantala, patuloy namang kumikilos ang Tropical Depression Gener pa kanluran sa West Philippine Sea, ayon sa update ng weather bureau.
May taglay si “Gener” na maximum sustained winds na 55-km per hour sa gitna na may pagbugsong hanggang 70 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at western portion ng Pangasinan (including Sual, Burgos, Dasol, Mabini, Infanta, Labrador, City of Alaminos, Bani, Bolinao, Anda, and Agno).
Patuloy na pinalalakas ang habagat ni “Gener” at ni “Helen”.
Inaasahang lalabas si “Gener” ng bansa ngayong Martes ng gabi o bukas ng umaga.