NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility ang severe tropical storm na Surigae (international name) Biyernes ng umaga. Tatawagin itong bagyong Bising, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
“At 6:20 AM today, Severe Tropical Storm ‘SURIGAE’ entered the Philippine Area of Responsibility and was assigned the domestic name ‘BISING’,” ayon sa state weather bureau sa isang post sa Twitter.
Sa weather bulletin nito alas-4 ng madaling araw, ang bagyo ay may maximum sustained winds na 110 kilometro kada oras at gustiness na 135kph habang ito ay kumikilos pa kanlurang bahagi na may bilis na 10kph.
Dahil dito, inaasahan ang makulimlim na kalangitan at may paga-ulan sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa Luzon, mananatili ang maayos na lagay ng panahon na may bahagyang pag-ulap hanggang sa maulap na kalangitan. Posible rin na magkaroon ng pag-ulan dala ng thunderstorms