LALO pang lumakas ang bagyong Bising bagamat wala pang inilalabas na signal warning ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Taglay ng bagyo ang hangin na may bilis na 130 kilometro kada oras at pagbugso na 160 kilometro kada oras. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilabas na signal warnings ang Pagasa.
Pero ngayong gabi maaaring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Northern at Eastern Samar.
Huling namataan ang bagyo 960 kilometro silangan ng Surigao City.
Malabo namang mag-landfall sa bansa ang bagyong Bising, dagdag ng Pagasa.