WALO ang patay, apat ang sugatan at 26 pa ang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina, ayon sa mga otoridad.
Samantala, aabot sa 3,673 bahay ang nasira habang P301.7 milyong halaga ng mga pananim, imprastraktura, palaisdaan at mga sakahan ang nawasak ng bagyo.
Ayon naman sa Manila Electric Company, nasa 220,000 kostumer ang apektado ng brownout sa Batangas, Cavite, at Laguna. –WC