DALAWA ang naiulat na nasawi habang 10 iba pa ang nasugatan dulot ng Tropical Storm na Enteng at habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa 8 a.m. report nitong Lunes, sinabi ng NDRRMC, ang mga biktima ng bagyo ay mula lahat sa Northern Mindanao at patuloy pa ring bina-validate.
Sa kasalukuyan may 14 pamilya o 63 indibidwal mula sa tatlong barangay sa Central Visayas ang apektado ng bagyo.
Dalawang gusali rin ang naiulat na nasira dahil sa landslide sa Central Visayas.
May 739 pasahero naman ang stranded sa iba’t ibang pantalan, kamamihan ay nasa Bicol at ilan ang nasa Calabarzon.
Hindi rin pinayagang bumiyahe sa baybayin ang 22 barko, 4 na motor banca at 282 rolling cargoe sa Calabarzon patungong Bicol dahil sa sama ng panahon.