19,000 pamilya bakwit dahil kay ‘Karding’

UMABOT sa 19,000 pamilya ang inilikas bago at sa gitna nang paghagupit ng super typhoon Karding nitong weekend.

Sa tala ng Department of Interior and Local Government na iniharap kay Pangulong Bongbong Marcos sa briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council Lunes ng umaga, 19,368 pamilya o 74,542 katao ang inilikas bago pa ang paghagupit ni “Karding”.

“Overall, kung titignan po natin, napakaraming na preemptively evacuated at importante may supisyenteng pagkain, may tubig, at nakumbinsi kaagad lumipat,” ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos sa ulat nito kay Marcos.

Matapos ang briefing ay agad din tumulak si Marcos sa central Luzon para magsagawa ng aerial inspection sa mga nasalanta ng bagyo.