Mommy ni Carlos Yulo nag-Undas sa Singapore

HINDI nagpatalbog si Angelica Yulo sa pagta-travel abroad ng anak na si Carlos Yulo at girlfriend nitong si Chloe San Jose makaraan siyang maispatan sa Singapore kasama ang mga kaibigan.

Shinare naman ni Angelica sa Facebook ang paggala niya sa Universal Studios sa loob ng Resorts World Sentosa noong All Saint’s Day.

“About last night,” aniya sa caption.

Makikita sa mga larawan si Mommy Angge, suot ang white shorts, black top at black cape, na abot-tenga ang ngiti habang nakawra sa harap ng rotating globe at ng  Halloween theme park ng Universal Studios.

Positibo ang mga komento ng netizens sa paandar ng ina ni Caloy.

“Looking forever young c Mommy.”

“Great picture enjoy and have fun lang Mam Angge.”

“Congratulations sa tagumpay niyong pamilya dahil nalagold na nman ang iyong anak na si Eldrew. Enjoy life.”

“Bagets n bagets si mother Yulo ah.”