‘Mayaman na juts’ mas bet ni Chloe kesa ‘mahirap na daks’

PINAGPIPIYESTAHAN ng publiko ang lumang video ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose kung saan tinanong ito ukol sa mga kursunda niya sa buhay.

Sa video na mula sa content creator na si Tiyo Bri at pinost noong 2023, nausisa si Chloe kung ano ang unang kinakain nito sa almusal, ukol sa aklat, mais, paboritong lugar at iba pa. Pero ang nagmarka sa netizens ay ang tanong ni Tiyo Bri na, “Ano ang mas prefer mo, broke guy na daks o mayaman na juts?”

Ang sagot ni Chloe: “mayaman na juts”.

Agad na pinuna ng ilang netizens ang dalaga sa pagiging materyosa umano nito. Todo-depensa naman si Tiyo Bri kay Chloe sa sagot ng dalaga.

Ayon kay Tiyo Bri, tama si Chloe dahil wala naman aniyang babae na pipiliin ang lalaking walang pera. “Eto naman ang katotohanan ng buhay– wala namang babae na pipili ng broke na lalaki. Tama, mali?” tanong niya.

“Kaya huwag n’yo nang gawan ng isyu ‘tong si Chloe. Napakabait niyang batang yan. Itong mga content na ‘to ginawa namin ‘to para lang ma-entertain kayo, mapatawa kayo. Wag kayong sakay nang sakay sa content. Itong content na ‘to has nothing to do with the pagkatao ng tao. So, tigilan n’yo na yan!” payo niya sa bashers.