INATASAN ng Department of Health ang Food and Drug Administration na imbestigahan ang diumano’y mataas na level ng ethylene oxide o pesticide sa instant noodle na “Lucky Me.”
“Ito po ay tinitingnan na ng Food and Drug Administration, ito pong type ng pagkain na ito, ating pong pinapa-hold muna because of apparently…so ito pong ethylene oxide apparently na sinasabing kasama sa pagkain na ito, ito po ay may sintomas na maaaring magkaroon ng pananakit ng ulo, maaring nagsusuka ang mga tao… magkakaroon ng difficulty in breathing at iba. We jus want to be very sure,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang brieifing.
Ito’y matapos maglabas ng babala ang Ireland, France at Malta sa mga mamamayan nito laban sa mataas na content ng pesticide sa ‘Lucky Me’ instant noodles na kilalang produkto mula sa Pilipinas.
Samantala, nanindigan ang Monde Nissin, ang may gawa ng “Lucky Me”, na ligtas ikonsumo ang kanilang noodles.
Iginiit nito na hindi hinahaluan ang ethylene oxide ang kanilang produkto, bagamat ginagamitan ito ng nasabing kemikal para hindi dumai ang mikrobyo sa mga spices na sangkap nito.
“It is a commonly used treatment in spices and seeds to control microbial growth typical in agricultural products. These materials, when processed into seasoning and sauces, may still show traces of ethylene oxide,” ayon sa Nissin Monde.