TINUPAD ni Hash Alawi, ang vlogger/video creator na kapatid ni Ivana Alawi, ang pamaskong hiling ng mga inmates sa Naic, Cavite.
Ayon kay Hash, nakita niya ang Facebook post ng PUBLIKO ukol sa mga simpleng hiling ng mga bilanggo bago magpasko kaya naisipan niyang bigyan ng katuparan ang kanilang mga wishes.
“Scrolling through Facebook ay nakita ko itong post ‘yung mga persons deprived of liberty gumawa sila ng Christmas tree. They had around 700 wishes so tinanong ko kung na-fulfill and hindi pa daw, may mga 100 na naiwan,” ani Hash sa latest vlog niya.
“So, today I’ll be trying to fulfill 100 wishes kung ano man ‘yan… Actually na-touch ako sa sobrang simple ng hiningi ng mga tao. ‘Yung iba kailangan lang nila ng pera sa exam para makalabas ng kulungan,” dagdag pa ng kapatid ni Ivana.
Sa video, ipinakita ni Hash na binili niya ang mga hiling ng mga bilanggo.
Nag-grocery at nag-shopping si Hash ng mga sapatos, cellphone at iba pang wini-wish ng mga inmates.
Ibinigay niya ang mga naipamili sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology ng Naic.
Matatandaan na nitong Disyembre 7 ay ipinost ng PUBLIKO ang kwento ukol sa Christmas wish tree ng mga nasabing bilanggo.
Umani na ito ng mahigit 63.8K shares at libo-libong reacts at comments. –A. Mae Rodriguez
Panoorin dito ang buong video ni Hash:
Related story:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=301427572002143&id=107572388054330