NAG-ALBURUTO ang publiko sa umano’y pambabastos ng American record producer at boyfriend ng singer na si Selena Gomez, na si Benny Blanco sa fast-food chain na Jollibee sa kanyang TikTok video.
Ayon sa netizens, paglapastangan sa kulturang Pinoy ang ginawa ni Blanco na pagsawsaw ng chicken joy sa pineapple juice at pagluwa sa jolly spaghetti.
Hindi rin nagustuhan ni Blanco ang iba pang tinikman niya gaya ng adobo rice at peach mango pie.
“Don’t go to Jollibee. This sh*ts sucks,” sey niya.
Komento naman ng publiko:
“Your literal review about Jollibee is my literal review of you.”
“It’s okay if Jollibee isn’t your thing, but there’s no need for disrespectful comments.”
“It really seems like he wanted to hate it before even trying it.”
“Lol mas pogi pa si jollibee sayo eh. Chararat amputek.”
“Dumayo ka dito..lamog yang mukha mo.”
“Okay lang basta naliligo kami.”
Si Blanco ang producer ng ilan sa mga kanta nina Katy Perry, Ed Sheeran, Rihanna, at Kanye West.