Ivana naka-P10M sa live selling

NAKABENTA ng P10 milyon sa anim na oras lang na pagla-live selling sa TikTok ang aktres na si Ivana Alawi.

Sa isang panayam, isiniwalat ng “FPJ’s Batang Quiapo” actress na hindi niya inasahan na ganoon kalaki ang kikitain niya sa pagla-live selling.

“Nag-live ako from 6 p.m. natapos ako 12 a.m. ‘Yun yung kumita ng 8 digits,” aniya nang usisain kung magkano ang pinakamalaking kinita niya sa negsyo.

“Iba yung business, iba yung pag-aartista. ‘Pag nag-artista, parang mag-iisip ka na ‘ay kailangan ko ng back up.’ So having a business is really important,” paliwanag ng aktres.

Bunsod nito ay tinagurian si Ivana bilang TikTok Shop Celebrity of the Year.