Darryl Yap sa beauty tips ni Chloe: Alam n’yo na paano kakapal mukha n’yo

MAY bagong banat ang direktor na si Darryl Yap kay Chloe San Jose, ang girlfriend ni Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Darryl ang interview kay Chloe ukol sa beauty regimen nito.

“I have cleansing balm po and after is cleanser, the foam cleanser, toner, serum, moisturizer and then sunscreen,” chika ni Chloe.

“No naman hours, few minutes!” dagdag ng dalaga nang tanungin kung gaano katagal ang kanyang beauty routine.

Caption ni Darryl sa post: “Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo.”

Binawi naman niya ang pang-ookray kay Chloe sa comments section.

“*gaganda. Sorry, nakaAuto yung Kakapal,” ayon sa director ng box office hit na “Maid in Malacanang.”