ISINALUBLIKO ni talent manager-vlogger Ogie Diaz na planong gawing pelikula ang buhay ni Angelica Yulo, ina ng Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Ayon kay Ogie, ang mismong negosyanteng nag-sponsor sa Singapore trip ni Angelica kamakailan ang nasa likod ng biopic.
Sinabi ni Ogie na base sa chika ng kanyang source ay natuwa at nabaitan umano kay Gng. Yulo ang negosyante kaya nagdesisyon itong tumayong producer ng pelikula.
Gayunman, klinaro na Ogie na hindi pa kumpirmado ang balita.
“Alam mo ba na gagawing pelikula ang buhay ng ‘The Angelica Yulo Life Story’?” chika ni Ogie kay Mama Loi.
“Talaga? Bakit hindi Carlos Yulo Life Story?” sagot ni Mama Loi.
Hirit ni Ogie: “Kasama na ‘yun doon, kasi iba pa rin daw at naiiba ang kuwento ni Mommy Angelica.”
Bukod sa planong biopic, isiniwalat ni Ogie na inalok ng nasabing negosyante ang pamilya Yulo na tumira ang mga ito sa isa sa kanyang mga multi-million houses hanggang gusto nila.
Bukas ang PUBLIKO sa panig ni Angelica at Yulo family.