NAKATIKIM ng pangaral ang babaeng netizen na inireklamo ang kanyang manliligaw dahil pinag-aambag siya nito sa gastos sa kanilang dinner date sa isang steak house.
Sa kanyang post sa Facebook page na TCU Secret Files, nanghingi ng opinyon sa publiko si “Keshaxxx” kung ano ang dapat niyang gawin dahil pinagko-contribute siya ng lalaki sa bill nila na umabot sa P7,000.
Pahayag ni “Keshaxxx”:
“Not here to rant or to sumbat. Gusto ko lang po malaman kung normal lang po ba yung ganto?
“Sabi nya kasi sakin eh libre naman daw nya po ako. Manliligaw ko po sya and di ako yung nagyaya.
“Sya din nag decide kung saan kami kakain pero parang naparami nga ata yung mga inorder ko.
“First time makakain ng medium rare na steak kaya inabuso ko na. Di ko akalain aabot ng ganyan yung bill.
“Dapat ko po ba syang hatian sa bills? Or ighost ko na lang? Di ko lang to napagbigyan sa kiss nung hinatid ako biglang nag iba ihip ng hangin e.”
Ipinost ni “Keshaxxx” ang screen shot ng paniningil ng lalaki kung saan mababasa na tila sinisisi siya ng huli na kaya lumobo ang kanilang bayarin ay dahil sa dami ng kanyang kinain at nag-uwi pa para sa kanyang alagang aso.
Nabasa naman ng manliligaw ang post at ibinandera nito ang screen shot ng bill na kanyang binayaran.
Inulan ng komento ang nasabing post sa nasabing Facebook page kung saan karamihan ay pumanig sa lalaki.
“Nakipag date tapos nag-take out pa! Ay PG si gurl!”
“Kaanu ano mo ba si Sharon?”
“Dahil date pa lang yan sana nagpa pretend ka muna na diet ka di yung parang patay gutom na order.”
‘Kapag kasi nasa dating stage p Ing kain barbie muna daw. Pinakita mo kasi agad kung sino ka.”
“Kahit nilibre ka lang ng manliligaw/friend, always consider the order etiquette, always order the cheapest one.”