HINDI rehistrado sa Securities and Exchange Commission ang popular na online play-to-earn company na Axie Infinity o Sky Mavis.
Ito ang kinumpirma ngayon ng SEC matapos mausisa tungkol sa nasabing kompanya na nagbebenta ito ng securities sa bansa.
“The SEC has received numerous inquiries regarding Axie Infinity as well as other play-to-earn platforms and schemes. This has been a topic of discussion within the PhiliFintech Innovation Office (PIO) and other operating departments,” ayon sa SEC.
Dinivelop ng Vietnamese studio na Sky Mavis, ang Axie Infinity ay isang adventure online game na naging popular sa Pilipinas lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan ang manlalaro na mananalo ay maaring kumita ng cryptocurrencies na pwedeng ipalit ng pera.
Kailangan lang na bumili muna ang isang player ng tatlong digital pet na tinatawag na “Axies” para makapagsimulang maglaro.