Angelica Yulo naniningil ng utang

GAMIT ang kanyang Facebook account ay siningil ni Angelica Yulo ang isa sa mga may utang sa kanya.

Ibinahagi ni Angelica ang video ni Fr. Joseph Roura, ang parish priest ng Our Lady of La Salette Quasi-Parish sa Muzon, San Jose del Monte, Bulacan, kung saan nangangaral ito ukol sa utang.

“Sabi nga kung gusto mo gumaan ang buhay mo magbayad ka ng utang mo.  Sister utang mo inabot na ng dekada baka naman gusto niyo nang magbayad,” ani Angelica sa caption.

Hindi na idinetalye pa ng ginang kung magkano ang nautang sa kanya ng pinariringgan niya.

Dagdag ng ina ni Olympic gold medalist Carlos Yulo, mayroon pang ibang may utang sa kanya na nahihiya na siyang singilin.

“Meron pa nga nakakasalubong pa, ako na nahihiyang maningil,” wika niya.