NAIS ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte na iakyat sa edad na 21 mula sa kasalukuyang 18 angpapayagang bumili at uminom ng alak.
Inihain ni Duterte kasama si Benguet Rep. Eric Yap ang House Bill No. 1753 o ang Anti-Underage Drinking Act.
Sinabi ni Duterte na aabot sa 2.5 milyon ang namamatay sa buong mundo dahil sa epekto sa kalusugan ng alak, kung saan malaking porsiyento nito ay mga kabataan.
Sa kanilang panukala, bawal bumili o uminom ng alak ang mga indibidwal na wala pang 21 taon, at sila na mga may kondisyon sa pag-iisip na hindi maaaring pagbilhan ng nakalalasing na inumin.