APAT ang nasawi at 60 iba pa ang nasugatan sa magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra alas-8:43 ng umaga Huwebes
“Of these four, two are in Benguet, one each in Abra, and — two in Benguet, one in Abra,” sabi ni Interior Secretary Benhur Abalos sa kanyang ulat kay Pangulong Marcos sa isinagawang press briefing sa Malacanang ngayong hapon.
Sinabi ni Abalos na batay sa ulat na kanyang tinanggap, aabot sa 29 kalsada, tatlong tulay at 173 gusali ang napinsala sa nangyaring malakas na lindol.
Idinagdag ng opisyal na nakapagtala rin ng 31 landslide sa iba’t ibang lugar sa Luzon.
Ayon pa kay Abalos, 15 lalawigan, 15 lungsod, 280 munisipalidad at 6,756 barangay sa Region I, II at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng pangyayari.
“Ang initial reports po are there are road closures in some parts of Abra; power interruptions in Abra and Benguet; intermittent communication lines in Region I; landslides in some parts of CAR; minor damages in other regions,” dagdag niya.