Baguio student nalaglag sa gusali habang lumilindol

NAHULOG ang isang mag-aaral sa Baguio City habang bumababa sa fire exit sa kasagsagan ng lindol ngayong umaga.

Nahulog ang babaeng biktima, 19, mula sa ikaapat na palapag ng A’s Dormitory at bumagsak sa nakaparadang taxi.

Ayon sa driver na si Pedro Abad Jr., humampas ang ulo ng biktima sa windshield ng kanyang sasakyan.

Dinala ang biktima Saint Louis University Hospital of the Sacred Heart.