NANINIWALA ang ilang residente ng Manjuyod, Negros Occidental na ang halimaw na sigbin ang responsable sa pagpatay sa mga kambing sa Brgy. Candabong kamakailan.
Ayon sa mga residente, puno ng sugat ang katawan ng mga kambing habang ang isa rito ay wakwak ang tiyan at wala nang lamanloob.
Sinabi ng barangay captain na si Joel Calibquid, hindi ito ang unang beses na may natagbuang mga patay na kambing sa lugar.
Wala namang binanggit ang opisyal kung anong klase ng hayop ang may kagagawan dito.
Pinayuhan ni Calibquid ang mga kabarangay na huwag nang paabutin nang gabi sa labas ang mga alagang hayop hanggang hindi pa matukoy kung sino o ano ang nasa likod ng pamamaslang Noong Hulyo, iniulat ng isang bata, residente ng bayan ng Bindoy sa nasabing probinsya, na naabutan niyang inaatake ng “malaking aso na may mahahabang pangil” ang mga binabantayan niyang kambing.