Sabungan bubuksan na?

PABOR ang kapulisan sa Cebu City na buksan muli ang mga sabungan sa siyudad.
Sa ulat ng inquirer.net, suportado ng Cebu City Police Office ang panukala ng Cebu City Gamefowl Commission na buksan ang mga lehitimong sabungan upang mapigilan ang operasyon ng mga tupada.
Iginiit din ng mga opisyal ng CCPO na papayagan lamang ang operasyon kung susunod ang mga ito sa health protocols ng Interagency Task Force.