PUMANGALAWA ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa Meeting de Paris, at makapagtala ng bagong national record sa ginawang laban sa Chartley Stadium sa Paris France, Sabado ng gabi.
Nagawang maitawid ni Obiena ang 5.91 meters jump sa una palang nitong sabak, dahilan para malagpasan ang dati niyang rekord na 5.87 meters na naitala sa Irena Szewinska Memorial Cup sa Poland noong Hunyo.
Naka-silver si Obiena sa Meeting de Paris, bahagi ng 2021 Wanda Diamond League. Nanguna sa laro ang Olympic gold medalist na si Armand Duplantis ng Sweden.
“A 2nd place finish at the Paris 2021 Diamond League, and a new national record and personal best of 5.91m. Thank you God! And thank you to those who keep on supporting and believing despite the ups and downs. Getting there,” pahayag ni Obiena sa kanyang Facebook post.