NAKAPAG-SET ng new personal at Asian record ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa ginaganap ngayong 2022 World Championships sa Eugene, Oregon, USA.
Naitawid ni Obiena ang 5.95 meters jump sa finals, mas mataas sa 5.93 meters na nai-set niya sa Innsbruck, Austria noong nakaraang Setyembre.
Dahil dito nakasisiguro na si Obiena na makuha ang bronze medal matapos mabigo na maitawid ng Brazilian na si Thiago Braz ang six meters jump.
Ang natitirang tatlo sa finals ay ang world number one na si Armadn Duplantis ng Sweden at Chris Nilsen ng Estados Unidos.