SISIMULAN lamang ang 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA) kung bababa ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, kahit may bakuna na ay malabo pa ring magsimula ang liga.
“Maski na may vaccine na tayo, kung hindi bababa yung cases, hindi pa rin matutuloy ‘yung PBA. Kailangan bumaba yung cases,” dagdag nito.
Ayon pa kay Marcial, kailangan din ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) bago simulan ang liga.
“Kapag um-okay sila sa task force, ide-defend namin. Papatawag kami ng IATF to defend kung bakit kailangan magsimula ‘yung PBA,” pahayag niya.