HINDI pa man din champion ang Pinoy tennis star na si Alex Eala ay ipinagbubunyi na siya ng bansa sa malaking karangalan na ibinigay nito sa Pilipinas.
Ito ay matapos na talunin ni Eala ang world No. 2 at five-time Grand Slam champion na si Iga Swiatek sa laban nila Huwebes ng madaling araw (Manila time).
Tinalo ng 19-anyos na si Eala sa dalawang set ang 23-anyos na Polish player, 6-2, 7-5, dahilan para umalagwa ang Filipina sa semifinal round.
“I don’t know what to say, I mean, complete just disbelief right now and I am on cloud nine,” pahayag ni Eala, ang kauna-unahang Filipina na umabot sa last eight ng WTA 1000 tournament, sa on-court interview matapos ang laro.
“It’s forever in my heart.”